Wika ng Pagkakaisa
Tuwing buwan ng Agosto, ipinagdiriwang
natin ang “Buwan ng Wika”. Ang buwan kung saan nagsasagawa tayo ng mga gawain
upang mas lalo pang mapaunlad at mapahalagahan ang sarili nating wika.
Ngayong buwan na ito, nagsagawa ang
Kapisanan ng Filipino ng mga gawaing kagaya ng pagsulat ng sanaysay, pagsulat
ng tula, Movie Trailer Making at marami pang iba. Nakilahok ang mga estudyante
at sila’y nakisaya din.
Ang wikang Filipino ay wika ng
pagkakaisa. Ito ay dahil sa pagtutulungan ng mga Pilipino kahit pa man may
iba’t ibang dialekto ang Pilipinas. Kahit saan mang parte ng mundo ay hindi pa
rin nakakalimot ang mga Pilipino sa sariling bayan at wika.
No comments:
Post a Comment